MISSILE STRIKE NAITALA, OFWs SA SAUDI  PINAG-IINGAT

Missile Strike

PASAY CITY – MATINDING paalala ng pag-iingat ang isinagawa ng Department of Fo­reign Affairs (DFA) sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia.

Kasunod ito sa nagaganap na tensiyon sa nasabing bansa.

Kinondena rin ng DFA ang nangyaring pagsabog sa Abha International Airport noong nakaraang linggo.

Ang nasabing pag-atake ay naganap matapos ang dalawang linggo nang magsagawa ng missile strike na ikinasugat ng 26 katao. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.