PERSONAL na ininspeksiyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang installation ng Spike ER missile system sa Multi-Purpose Attack Craft (MPAC) ng Philippine Navy nang bisitain ang Naval Sea Systems Command (NASSCOM) sa Sangley Point, home port ng mga MPAC sa Cavite City.
Ayon kay Lorenzana , ang pag-armas sa mga MPAC ay lubhang malaking bagay sa ikatatagumpay ng misyon ng Phil. Navy lalo na sa pagsasagawa ng interdiction, surface warfare, search and rescue operations, pag-transport ng mga tropa sa pamamagitan ng high speed.
Ang Spike ER Missile ay ang kauna-unahang missile na binili ng hukbo sa ilalim ng FAIC-M project na gagastusan ng P10 bilyon ng pamahalaan.
Ayon sa Phil Navy, ang FAIC-M project ay inaward sa Israel Shipyards Ltd. and Rafael Advanced Defense Systems of Israel sa ilalim ng government-to-government procurement scheme.
Nasubukan na ang accuracy at lakas ng nasabing missile system ng sinubok ng Philippine Navy noong nakaraang taon ang kanilang Spike ER Missile na inilunsad mula sa isa sa mga Multi-Purpose Attack Crafts (MPAC) ng 3rd Boat Attack Division.
Sinasabing pumapasok na rin ang Philippine Navy sa missile age nang naging matagumpay ang unang launching nito matapos matumbok ng missile ang kanyang target mula sa apat na kilometrong distansiya kasunod ng ginanap na test fire noong nakalipas na taon .
Nasa walong units ng fast attack interdiction craft missile naman ang madagdag sa military arsenal ng hukbong dagat kung saan ang unang dalawang units ay nakatakdang ideliver sa huling quarter ngayong 2022.
Ang mga bagong biling FAIC-M ay siyang magko-complement sa kasalukuyang 12 MPACs ng hukbo.
VERLIN RUIZ