CEBU – GINALUGAD ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) Region 7 ang lugar kung saan natagpuan ang mga dayuhan sa loob ng isa pang umano’y POGO hub sa Moalboal.
Ito ay bahagi ng kanilang pagsisikap na hanapin ang walong Indonesian nationals na bahagi ng kanilang unang rescue operation at tatlo pang iba na ang mga pasaporte ay natagpuan sa mga vault na nakumpiska mula sa Pogo hub sa Lapu-Lapu.
Ginunita ng NBI-7 Director na si Atty. Renan Oliva na ang pagkakatuklas sa POGO hub sa Brgy. Agus, Lapu-Lapu City noong Agosto 31 ay nagmula sa isang kahilingan mula sa embahada ng Indonesia para sagipin ang walo nilang kababayan.
Sa hindi inaasahang pangyayari, natuklasan na ang hotel ay isang POGO hub at nakita ang mga awtoridad ang kabuuang 169 na dayuhan sa loob kabilang dito ang pito sa mga target ng rescue operation.
RUBEN FUENTES