MISSING PINAY SA IRELAND PINATAY

SOCO

DUBLIN – MAKARAAN ang dalawang araw na paghahanap, natagpuang patay ang isang Filipina college student na huling nakitang kinaladkad pasakay ng sasakyan sa Enniskerry, County Wicklow.

Ang labi ni Justine Valdez, 24- anyos, ay nadiskubre ng mga awtoridad sa isang golf course sa Pucks Castle.

Natagpuan ang cellphone ni Valdez malapit sa pinangyarihan ng insidente.

Batay sa imbestigasyon, dinala si Valdez sa bahay ng Irishman na si Mark Hennessy, 40.

Gayunman, ayon sa partner nito, hindi dumating sa kanilang bahay si Hennessy noong gabing nawala si Valdez.

Napatay ang suspek na si Hennessy matapos umanong tutukan ng kutsilyo ang mga awtoridad. CAMILLE BOLOS

One thought on “MISSING PINAY SA IRELAND PINATAY”

Comments are closed.