MISSING YOU

Nawala ang taong mahal mo, ngunit sana, andito siya. Andyan siya sa puso mo, ngunit sana, yakap mo siya — hindi lamang sa alaala.

Kung darating ang araw o panahon, na magkakasama kayong muli, sana’y habampanahon na.

Miss mo siya, higit pa sa kung paano mo ka­yang sabihin o ipadama. Miss mo siya — ganoong kalalim! Unfathomably, senselessly, terribly.

At okay lang ma-miss mo siya. Hayaan mo ang sarili mong maramdaman ang damdaming iyan na walang panghuhusga.

Ngunit isang araw, malalaman mong kaila­ngan mo na palang mag-move on. Hindi natatapos ang buhay dahil miss mo siya. Siguro, dapat kang magkaroon ng mga activities kahit hindi mo ma-enjoy sa una para maokupa ang utak mo.

Magkaroon ka ng hobbies, mag-exercise ka, o mag-volunteer sa kahit ano, basta  ma-distract ka.

Makakatulong din ang friends and fa­mily. Mas mabuting may nakakaunawa sa iyong na­ra­­ramdaman.  Yung alam niyang gusto mong makalimot pero hindi mo pa kaya kaya inuunti-unti mo. Yung sasamahan ka kahit sa kadramahan.

Walang scientific evi­dence para patunayang nararamdaman din ng iba ang iyong emosyon, ngunit may tinatawag tayong  power of emotional ener­gy.

Kung nami-miss mo siya, ibig sabihin, na mahal mo diya at malalim ang inyong connection. Sa pagmamahal, walang kinalaman ang physical distance o mahabang panahon ng pagkakalayo. Sa pagmamahal, kahit matagal na kayong magkalayo, mami-miss mo pa rin siya.

Sabi nga nila, “absence makes the heart grow fonder ” at muli, sinasabi ko sa iyo, na okay lang na ma-miss mo siya. Basta kaya mong i-hold ang emotions mo.

RLVN