MISTER NAABUTAN NG PAMANGKIN NA NAKABITIN

nakabitin

ISABELA – Wala nang buhay nang matagpuan ang isang mister na nagbigti sa loob ng kanyang kuwarto sa P-1 Bugallon Proper, Ramon.

Nakilala ang nagpatiwakal na si Artemio Tablang Jr.,  34-anyos,  may-asawa at residente ng nasabing lugar.

Una rito, nakita ng kanyang pamangkin mula labas ng bintana ang kanyang tiyuhin na nakatali ang leeg sa taas ng kisame.

Agad nagpasaklolo upang isalba sana ang kanyang tiyuhin subalit wala ng buhay ng ibaba mula sa pagkatali sa kanyang leeg na sinubukan pang dalhin ng rescue 316 ng Local Government Unit o LGU sa hospital subalit dead on arrival na ito.

Inaalam pa kung ano ang dahilan ang pagpapakamatay ng biktima.            REY VELASCO

Comments are closed.