MISTER NAG-AMOK, NAPATAY NG PULIS

LAGUNA – Nauwi sa engkuwentro ang ginawa umanong pag-aamok ng isang mister na ikinasawi nito sa Brgy. San Jose, lungsod ng San Pablo.

Base sa ulat ng pulisya, nakilala ang napatay na si Ramil Marajas Magapi, 48-anyos, residente ng nasabing lugar.

Dakong alas-5:00 ng hapon araw ng Huwebes nang magresponde sa lugar ang mga kagawad ng San Pablo City PNP Special Weapons and Tactics (SWAT) at LPMFC matapos makarating sa mga ito ang impormasyon kaugnay ng pag-aamok at pagpapaputok ng baril ng suspek na nagdulot ng matinding takot ng mga residente.

Sa halip na sumuko pinagbabaril pa umano ng suspek ang pulisya gamit ang kalibre 45 baril habang may hawak pa na isang granada na nauwi sa pagpapalitan ng putok na agad nitong ikinasawi.

Nabatid pa sa pulisya na may nakaraang insidente umano ng pamamaril sa isang residente ang suspek na mapalad na nakaligtas at tuluyang lumipat ng kanyang tirahan dahil sa matinding takot.

Narekober ng pulisya sa pag-iingat ng mister ang isang fragmentation grenade, kalibre 45 at kalibre 22 na baril. DICK GARAY

One thought on “MISTER NAG-AMOK, NAPATAY NG PULIS”

  1. 720860 912891Hoping to go into business venture world-wide-web Indicates revealing your products or services furthermore companies not only to ladies locally, but nevertheless , to a lot of prospective clients in which are online in most cases. e-wallet 814495

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *