LAS PIÑAS – KRITIKAL ang kondisyon ng isang 42-anyos na mister nang magbaril sa sarili matapos na ito ay magka-roon ng depresyon nang tanggalin sa trabaho.
Ang biktima na nakilalang si alyas Kenn ng Barangay Pamplona ay nasa kritikal na kondisyon sa Per-petual Medical Hospital.
Ayon sa pulisya, si Kenneth ay nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo mula sa kalibre .380 na baril.
Sa pahayag ng anak ng biktima, bago ang insidente ay nasa sala siya samantalang ang kanyang ama na-man ay lumabas ng kanilang bahay at ito ay kanyang nakitaan ng lungkot dakong 7:00 ng umaga.
Dagdag pa ng anak ng biktima na bigla na lang itong nakarinig ng putok ng baril kung kaya nagmadali siyang lumabas upang tignan ang kanyang ama na kalalabas lang ng kanilang bahay.
Laking gulat ng anak ng biktima nang ito ay makitang duguan at nakahandusay sa semento.
Agad naman na humingi ng saklolo ang anak ng biktima sa kanyang kapamilya at agad na isinugod sa naturang hospital. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.