CAMARINES SUR – HAWAK pa ng isang mister ang kaniyang cellphone nang matagpuan ng kanyang pinsan na walang buhay bunsod ng tama ng bala sa ulo sa San Fernando.
Kinilala ang biktima na si Ronelo Piel, 42-anyos.
Batay sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan ang biktima sa loob ng kanilang bahay na duguan ang ulo at patay na.
May tama ito ng bala ng baril sa ulo at hawak pa ang cellphone.
Ayon sa pamilya, “lover’s quarrel” o ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng biktima at ng asawa nito na nasa ibang bansa ang isa sa tinit-ingnang dahilan ng pagpapakamatay nito.
Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang ilang basyo ng bala ng baril, magazine na may lamang bala at cellphone.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa pangyayari. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM