ISABELA – NASAWI ang padre de pamilya habang sugatan ang misis at anak nito nang makoryente habang nagsasampay ng kanilang damit sa Barangay Sta. Maria, Echague.
Nakilala ang nasawi na si Greg Daguro, 35, magsasaka, habang nasa maayos nang kondisyon ang kanyang asawa na si Jane Daguro, 35, at ang kanyang 12-anyos na anak na babae na nagkaroon ng fracture sa katawan.
Ayon sa ginang, nagsasampay siya nang makoryente matapos mayroong nakadikit na live wire na dinadaluyan ng 240 volts mula sa Isabela Electric Cooperative (ISELCO) sa kanyang pinagsampayan.
Sinaklolohan siya ng kanyang asawa ngunit nakoryente rin maging ang kanyang anak na sumaklolo.
Sinaklolohan sila ng kanyang mga kamag-anak at kanilang maibaba ang main switch kung saan nakakabit ang linya ng koryente.
Dinala sa pagamutan ang mga biktima subalit namatay ang mister dahil sa tinamong sunog sa katawan sanhi ng kanyang pagkakoryente. IRENE GONZALES
Comments are closed.