‘MISTER PINDEHO’ NAG-AMOK, MISIS MINALAS

nag amok

NEGROS OCCIDENTAL – SA silakbo ng galit pinagsasaksak ng mister hanggang sa mapatay nito ang kanyang misis nang maaktuhang nakikipagtalik umano sa lover nito sa Binalbagan.

Nahaharap sa kasong parricide si Artemio Electico, 57, matapos niyang mapatay ang kanyang asawa sa loob ng kanilang bahay sa Crossing Bakyas, Brgy. San Jose, dakong alas-4:00 ng madaling araw.

Base sa impormasyong ibinahagi ni Chief Insp. Albert Sy, ng Negros PNP  hiwalay na ang mag-asawa at sa ibang bahay na naninirahan ang kanyang asawa.

Hinihinalang bunsod ng mga kumakalat na tsismis na may ibang lalaki na ang kanyang misis na hindi na pinangalanan kaya tinitiktikan ng suspek ang kanyang misis.

Base sa imbestigasyon, lumalabas na naaktuhan ni Electico ang kanyang misis na nakiki­pagtalik sa sinasabing “lover” nito na si Rosenio Alcala, 48-anyos.

Sa galit sa nabungarang pakikipagtalik ng misis sa kanyang kalaguyo ay sinugod nito ang lalaki at nagkasuntukan pa umano ang dalawa hanggang sa tumakbo si Alcala.

Pinagbalingan naman ng suspek ang kanyang misis at pinagsasaksak ito.

Nagtamo ng maraming sugat sa katawan ang biktima na na­ging sanhi ng kamatayan nito.

Agad din namang nadakip ang suspek ng rumesponde ang mga awtoridad.   VERLIN RUIZ

Comments are closed.