MISTER TODAS SA KALAGUYO NI MISIS

ILOILO-DEAD on arrival sa pagamutan ang isang mister matapos na barilin nang dating kalaguyo ng kanyang misis sa Pototan City sa lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Pototan City Police Station, binaril nang malapitan ng suspek ang 44-anyos na magsasaka sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Dawis ng nabangit na siyudad.

Lumilitaw sa pagsisiyasat ng Pototan police, nanonood ng telebisyon ang biktima kasama ang kanyang 13-anyos na anak nang biglang tumahol ang kanilang alagang aso na nangangahulugan na may dumating na tao.

Subalit, nang silipin ng biktima ang pintuan ay dito naman sinungaw ng suspek ang dala nitong baril at pinaputukan ang mister ng dati umano niyang kalaguyo.

Target ngayon ng manhunt operation ang suspek na mabilis tumakas matapos ang krimen.

Nagawang pang isinugod sa pagamutan ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival ng attending physician sanhi ng tama ng punglo sa leeg.

Patuloy ang ginagawang hot pursuit operation ng Pototan police sa suspek na sinasabing nakaharap na rin ng biktima noong 2019.

Nabatid na minartilyo umano ng biktima ang suspek matapos matuklasan ang relasyon nito sa kaniyang asawa. VERLIN RUIZ