Isang misteryosong Mayan Palenque Astronaut ang nakapukaw sa imahinasyon ng maraming scholars at enthusiasts.
Sa gilid ng Pakal sa Palenque, ay natuklasang ataul o sarcophagus na tinatawag na Great. Lumikha ito ng diskusyon at alimuom na baka ataul ito na may kinalaman sa extraterrestrial connections sa sibilisasyon ng Maya.
Kung ang masusing ukit dito ay totoong gawa ng ancient astronaut na magna-navigate ng isang spacecraft, patunay ba itong may mas malalim silang pakikipag-ugnayan sa mga nilalang na wala sa mundo?
Ang Palenque ay isang siyudad na nasa Yucatec Maya sa southern Mexico na tuluyang naglaho noong 8th century.
Tinatayang ang Palenque ruins ay natatag sa pagitan ng ca. 226 BC hanggang ca. 799 AD.
Nang mawala ito, pumalit ang kagubatang tinubuan ng napakaraming puno ng cedar, mahogany, at sapodilla, ngunit may mga manaka-naka pa ring guho silang natatagpuan na pilit nilang ibinabalik sa dati.
Malapit ang Palenque sa Usumacinta River sa Mexican state of Chiapas, halos 130 km (81 mi) ang layo south of Ciudad del Carmen, 150 meters (490 ft) above sea level.
Katapat lamang ito ng modern town of Palenque, Chiapas.
RLVN