UMAPELA ang grupong EcoWaste Coalition (EWC) sa pamunuan ng Quiapo Church na itigil na ang “misting” sa mga deboto ng Poong Itim Nazareno dahil nakakasama sa kalusugan ang kemikal na ginagamit sa pag-disinfect.
Ayon sa EcoWaste, mismong ang World Health Organization(WHO) na ang nagsabi na hindi nila inirerekomenda ang paggamit ng misting kaya dapat nang alisin ang misting tent na nasa main gate ng Quiapo Church.
“We fully appreciate the safety protocols being implemented by the church with the help of the Hijos del Nuestro Padre Jesus Nazareno to cut the spread of the novel coronavirus disease 2019 (COVID-19) during worship activities,” ani Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner ng grupo.
Nangangamba rin ang grupo na baka mas makasama pa ito, partikular sa mga senior citizen na deboto, sa halip na makatulong.
“Health scientists have clearly said that spraying the external part of the body does not kill the virus inside the body and may worsen the clinical condition of the individual infected with the coronavirus,” dagdag pa ni Dizon.
Nabatid na ayon sa WHO, ang misting ay hindi nakakatulong para mabawasan ang abilidad ng isang taong may COVID-19 na makapanghawa ng virus, sa pamamagitan ng droplet o close contact.
Maaari rin umano itong maging sanhi ng eye at skin irritation, bronchospasm due to inhalation, at may gastrointestinal effects rin, gaya ng nausea at pagsusuka.
Ipinanawagan na rin naman ng Department of Health (DOH) na hindi nila inirerekomenda ang misting. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.