TAHASANG sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang makipagpulong kay Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari para sa pagkakaroon ng peace deal matapos ang isasagawang plebisito sa Bangsamoro Organic Law (BOL).
Sa talumpati ng Pangulo sa isinagawang peace assembly para sa ratipikasyon ng BOL sa Cotabato City nitong Biyernes, iginiit nito na umaasa si-yang makausap si Misuari sa mga susunod na araw.
“I hope to talk to him (Misuari) in the coming days as we agreed. Sabi ko tapusin muna natin ito (BOL), hintayin natin ‘yung atin then again we can resume after the Bangsamoro,” anang Pangulo.
Nabatid na ang BOL ay resulta ng negosasyon ng gobyerno sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) na breakaway faction ng MNLF.
Ayon sa Pangulo, layunin ng kanyang pakikipagpulong kay Misuari na maiparating ang kapayapaan, pakikipagkaibigan at umaasang magkakasun-do na isulong ang kapakanan ng MNLF at ng mga Moro sa Mindanao.
Magugunitang, tinutulan ni Misuari ang BOL at nais na kilalanin ng gobyerno ang 1996 peace agreement na nagbigay-daan sa kasalukuyang Auton-omous Region in Muslim Mindanao (ARMM) kung saan nagsilbi siyang gobernador.
At sakaling maratipikahan sa plebisito sa darating na Lunes, Enero 21, ang BOL ang bubuo sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na tutugon sa pagnanais ng mga Moro ng awtonomiya.
Comments are closed.