MITOY YONTING 10 TAON NANG BUMIBIYAHE

MITOY YONTING

THANKFUL si Mitoy Yonting kasama ang kanyang Draybers at sa pagdiriwang ng ika-10 taon nila encounters with pmbilang grupong Da Draybers, nagtiwala ang isang producer para maghatid sila ng isang espesyal na concert sa Bar 360 ng Resorts World Manila to bring us back down memory lane sa Dekada 80 pababa.

Dahil sa isang provincial gig kaya naisip nila ang title na Drivers at  ang mapasabak sila sa paglaban sa Battle of the Bands kaya naman tinagalog na nila ito.

They’ve had their share of ups and downs pero kahit na marami na raw silang kinaharap na downs sa buhay bilang magkaka-banda, that is what kept them sane and grounded.

“Normal lang naman ‘yung mood swings o monthly period. Pahiram lang. Pero ang mahalaga pa rin eh, ang trabaho niyo.”

Maski na nga tinapunan ng additional blessings si Mitoy sa pagsali at pagkapanalo niya sa The Voice, never niya iniwan ang Draybers.

“Hindi talaga ako inilayo sa kanila. Kasi ang rehearsals noon ng The Voice e rito sa Resorts World kaya ‘pag may gig nakakasalang pa rin ako. Kasama pa rin sila sa tagumpay ko.”

Sa Oktubre 30, 2018 nga patutunayan ni Mitoy & the Draybers kung bakit hindi nagsasawa sa tugtugin nila ang patuloy na sumusubaybay sa kanila.

“Para lang pagkain. Kung chicken joy ang paborito mo kahit paulit ulit kakai­nin mo kasi paborito mo. Magsawa ka man sandali lang. Babalikan mo uli. Kung ‘yun ang paborito mo tapos hinainan ka ng pork chop, hindi mo rin kakainin. Kaya ‘yung chicken joy nilalagyan lang namin ng iba pang pampapalasa. Para may balik-balikan pa rin. Masarap na lagyan ng flavor ang musika.”

PAOLO VALENCIANO MAGDIDIREK SA CONCERT NI MITOY

PAOLO VALENCIANOPINAGKATIWALAAN ni Mitoy and the Draybers ang batamba­tang si Paolo Valenciano para magmaniobra ng kanilang concert sa Oktubre 30, 2018. In fairness, maingay at in demand na si Paolo sa concert scene as a director.

Inabandona na ba ni Paolo ang banda niya at iniwan na ang ibang klase rin ng musika niya?

“I am not good with time management. Hindi ko mapagsabay-sabay. So, if it’s a concert I am doing as in directing, du’n ako naka-focus. I cannot even memorize scripts or spiels while doing another task. Yes, I have decided to choose the more lucrative business. Dito mas may pera. I have a family now.”

Pamilyar naman daw si Paolo sa luma at klasikong mga tugtugin at bilang musikero rin hindi naman ililigaw nito ang kanyang puso at pandinig.

Nakikita na natin sa te­lebisyon si Mitoy bilang komedyante at judge.

“Alam ng production staff na ‘pag may gig ako aalis ako sa set ng 8 p.m. para makasampa sa Bar 360.  Sa mga bagay na ganoon naman naaayos ko ang oras ko.”

Sure na to be a fun show, sasalang with Mitoy and the Draybers sina Randy Santiago, Nyoy Volante, Tawag ng Taghalan finalist Ato Arman, Tawag ng Tanghalan Champion Noven Belleza, theater star Tanya Manalang and the Diva of All Divas Dulce.

MIKA DELA CRUZ ENJOY SA PAGIGING BRAND ENDORSER

MIKA DELA CRUZMIKA dela Cruz seems to enjoy being the brand endorser of clothing apparel Apartment 8. This has taken her to other parts of the globe for pictorials and vacations.

Pero back home, ginagawa niya ang assignment niya sa TV with gusto. Gaya ng role niya sa kabubukas pa lang na kabanata ng “Pamilya Roces” sa GMA7.

“I am thankful Tita with whatever lands on my lap. Whether bida o kontrabida ang role ko, I will make sure na I will give more than is expected of me. Para pati ang viewers matuwa rin sa dating ng karakter ko.”

Nasa politika na ang Daddy at Ate niya. At kahit pa raw pangarap niyang makatapos ng Medisina, mukhang kukuha ng kurso sa Law ang dalaga.

“Parang doon din ako pupunta. Ang magsilbi sa mga kababayan natin. Kung ano ang ibigay ng kapalaran. Whatever is God’s will. For now, ako muna si Chanel Rosales, the best friend of Jade Roces (Gabbi Garcia) who loves to be the center of attention.”

Umiikot sa istorya ng hindi isa o dalawa kundi tatlong pamilya ng patriarkong si Rodolfo Roces ang gabi-gabing ihahatid na kuwento ng “Pamilya Roces”.

Comments are closed.