MITRA SA PSA FORUM

Baham Mitra

TATALAKAYIN ang epekto ng suspensiyon ng International Tennis Federation sa Philippine Tennis Association (Phil-ta) sa weekly webcast edition ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ngayong araw.

Magiging panauhin sina Philta President Atty. Antonio Cablitas at Vice President Martin Misa, na tatalakayin din ang mga plano at programa ng federation para sa 2021.

Bibisita rin si GAB chairman Abraham ‘Baham’ Mitra sa public sports program para magbigay ng detalye sa katatapos na 2nd Professional Sports Summit na isinagawa ng kanyang tanggapan.

Ang 10:00 a.m. session ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at isini-share din ng Radyo Pilipinas 2 Facebook page.

Comments are closed.