(Mitsa ng mahal na pulang sibuyas)MANIPULASYON SA PRESYO, SMUGGLING

GUMUGULONG na ang imbestigasyon ng Department of Agriculture (DA) sa dahilan ng pagpalo ng presyo ng pulang sibuyas sa P720 kada kilo.

Inihayag ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista na price manipulation at smuggling ang tinitingnan nilang anggulo sa pagsirit sa P720 ng presyo ng kada kilo ng sibuyas.

Posible aniyang may nagho-hoard ng nasabing agricultural product na dahilan ng pagtaas ng presyo nito.

Ayon kay Evangelista, kailangan ng kooperasyon ng retailers upang matunton at mahuli ang onion traders na nagbebenta nang sobrang mahal.

Sa isyu naman ng smuggling, nakatatanggap umano si DA Assistant Secretary James Layug ng mga lead sa tulong ng Bureau of Customs.

Nitong Miyerkoles ay inirekomenda ng kagawaran na itakda sa P250 kada kilo ang suggested retail price ng pulang sibuyas simula kahapon.

DWIZ 882