HINDI magiging masaya para sa mga panatiko ng Mitsubishi Strada o Montero Sport’s torquey diesel performance ang bagong anunsiyong sasalubong sa kanila sa pagpasok ng taon.
Ayon sa pinakahuling report, umayaw na ang Mitsubishi Motors ng paggawa ng diesel game.
Sinabi ng Japanese car manufacturer na ayaw na nitong mag-develop ng bagong diesel powertrains, at aalisin na ang diesel variants ng kanilang key models sa pagtatapos ng 2021, at “will significantly reduce the size of its existing diesel vehicle business.”
Makaaasa na lamang ang mga konsyumer sa kompanya ng pagpapatuloy sa kasalukuyang diesel engines, ayon pa sa report.
“Mitsubishi Motors’ diesel engine-equipped offerings will be limited to small trucks and some SUVs in Europe and the US, and the Delica D:5, isang minivan na mass-produced sa Japan,” dagdag ng report.
“Mitsubishi Motors expects the percentage of diesel vehicles it builds will fall to less than 20% of its fleet in the next two to three years, from 24% in 2018.”
Ang malaking dahilan nito ay may koneksiyon sa malalaking merkado, lalo na sa Europe na gusto nang dumistansiya sa paggamit ng diesel. Sinabi pa ng report na ang global sales ng diesel-powered cars ay inaasahang babagsak sa 40% sa susunod na 10 taon.
Ang nasabing hakbang ay kaugnay ng desisyon ng ibang Japanese manufacturers na tapusin ang kanilang pagdepende sa diesel sa Europe, kasama ang Toyota, Honda, at Renault–Nissan–Mitsubishi Alliance member Nissan.
Ang tanong ay kung papayag ang mga tagasuporta ng Mitsubishi sa kanilang desisyo na itigil ang pag-gawa ng diesel products at ang magiging resulta nito sa automotive industry.
Comments are closed.