MIXED MARTIAL ARTS: BAGONG SPORTS NA NGA BANG KAHIHILIGAN NG PINOY?

MIXED MARTIAL ARTS

(Ni CT SARIGUMBA)

MAHILIG sa sports ang Pinoy. Nagpakita nga naman tayo ng galing sa sports, hindi lamang sa bansa kundi sa iba’t ibang lugar sa buong mundo. Bukod sa boxing at basketball, isa rin sa sinusubukan ng marami ang Mixed Martial Arts (MMA).

Isang full-contact combat sport ang Mixed martial arts. Sa ngayon, ito ang biggest combat sports property sa Middle East at sa kauna-unahang pagkakataon ay masisilayan ito sa bansa sa darating na March 15 ngayong taon.

Sa katangi-tanging event na gaganapin sa Mall of Asia Arena, dadalo si His Highness Sheikh Khalid bin Hamad Al Khalifa. Bukod pa rito, ang pagda­ting din ni Khalid bin Hamad Al Khalifa ay upang patatagin pa ang ugnayan ng Filipinas at Bahrain. Titiyakin din nitong ang naturang sport ay magtutuloy-tuloy sa bansa gaya ng pagkahilig sa nasabing sport ni BRAVE CF’s Ban-tamweight champion Stephen Loman. Makikipagtagisan din ng galing ang mga international stars sa katangi-tanging manlalaro ng bansa.

Pumirma na rin sa Brave Combat Federation si Jose “Shorty” Torres na may malaki ring interest sa main event ng Brave 22.

Kahit na possible ring maging kalaban ni Toress si Loman, malaki ang pananalig nitong madedepensahan ng huli ang titulo.

“Loman is incredible, he always comes back from adversity. He’s a slow starter and almost always loses the first round. Even in his last fight, we thought Felipe Efrain would put him away, but then he came back stronger each round and was able to stay the champion. I know Elias has a very interesting submission game, but he has to beat Loman in the first round, or else I see the champ taking over and winning again”, ani Shorty.

Ang Brave 22 ay ang first-ever Brave Combat Federation show sa bansa. Kabilang sa long list of places ang bansa kung saan gaganapin ang promosyon.

Bukod sa Filipinas, ilan pa sa nagpo-promote ng nasabing sport ang Brazil, Mexico, Morocco, South Africa, the United Arab Emirates, India at Kazakhstan.

MMA: TINAGURIANG FASTEST-GROWING SPORT SA MUNDO

Nitong nagdaang dalawang taon, gumawa ng paraan ang Brave Combat Federation upang mabago ang landscape ng mixed mar-tial arts. May vision itong pagsamahin ang all corners of the planet under the same roof.

Sa ilalim ng pagtataguyod ni Highness Sheikh Khalid bin Hamad Al Khalifa, ang nasabing organisasyon ay gumawa ng ma-la­king hakbang sa naturang sports.

Taong 1990’s nang magsimula ang MMA. Nang mga panahong iyon ay nag-evolve na ito at nabago sa maraming paraan. In-adpat din nito ang nasabing rules para makaengganyo ng mas malawak na audience— at ang pagbabago nito ang naging daan upang maging fastest-growing sport ito sa mundo.

Hindi lamang iyon, naka-focus din ito sa marketable athletes. Bahagi rin ng promosyon ay ang pag-invest sa fighter na may iba’t ibang personalidad.

14 NA BANSA NA ANG NADAYO

Simula September 2016, ang Brave Combat Federation ay nakapunta na sa 14 countries. Kabilang sa mga bansang ito ang Bah-rain, Brazil, the United Arab Emirates, India, Kazakhstan, Mexico, Jordan, Indonesia, Northern Ireland, Morocco, Colombia, Paki-stan, South Africa, at Saudi Arabia.

Namamayagpag na nga naman tayo pagda­ting sa boxing. Ngunit sa pagpasok nga kaya ng Mixed Martial Art, ito na nga kaya ang bagong sports na mamahalin ng Pinoy?