MIXED MARTIAL ARTS-UFC AYAW PAAWAT

Dana White

ANG mixed  martial arts ang isang  sport na hindi magpapatupad ng kanselasyon sa gitna ng banta ng co­ronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Ultimate Fighting Championship (UFC), susundin nila ang kanilang iskedyul kahit walang fans.

Bagama’t naka-shut down ang halos buong American sports industry, gayundin ang karamihan sa mundo dahil sa pangamba sa COVID-19, ang UFC ay magpapatuloy.

“Everybody is panicking,” pahayag ni UFC president Dana White sa ESPN.

“And instead of panicking, we’re actually getting out there and working with doctors and health officials and the government to figure out how we can keep the sport safe and how we can continue to put on events.”

Idaraos ang lightweight fight sa pagitan nina American Kevin Lee at Brazilian Charles Oliveira sa Brasilia sa Sabado sa harap ng mahahalagang tauhan.

Ang welterweight fight sa pagitan nina American Tyron Woodley at Briton Leon Edwards O2 Arena sa London sa susunod na Sabado ay tuloy rin bagama’t ‘di malinaw kung papayagan ang fans na manood.

Gayunman, ang fights na nakatakda sa  Portland, Oregon sa March 28 at sa  Columbus, Ohio sa April 11 ay inilipat sa Las Vegas dahil sa regulasyon sa dalawang naturang states hinggil sa pagtitipon ng malaking crowd.

Ang dalawang naturang laban ay hindi bukas sa mga manonood.

“We’re moving forward with all our UFC live events but we’re going to adapt to these unprecedented circumstances,” wika ni White sa isang video na naka-post sa Twitter feed ng UFC.

Comments are closed.