MIYEMBRO NG CPP-NPA BOLUNTARYONG SUMUKO

CENTRAL LUZON- BOLUNTARYONG sumuko sa mga awtoridad ang isang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa ilalim ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan.

Kinilala ang sumukong rebelde na si alyas Ka Ome, 32-anyos, isang mangingisda na pamamalakaya sa Bulacan, Bataan, Pampanga, at Zambales.

Base sa paunang imbestigasyon ng mga pulis ganap na alas -10:40 ng umaga nang dumating sa 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) nitong Martes.

Ayon sa rebelde, nais na nito ng tahimik na pamumuhay upang malaya na niyang makasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

Kasamang isinuko ni Ka Ome, ang isang cal. 38 revolver na walang serial number at dalawang bala ng cal. 38 na baril.

Samantala, tiniyak naman ng pulis at militar na ang kaligtasan nito at ang pagbibigay ng tamang benepisyo sa ilalim ng umiiral na batas para sa mga nagbabalik loob sa pamahalaan.

Kasunod nito, isasalang sa debriefing si Ka Ome at tactical interrogation ng militar.
THONY ARCENAL