MIYEMBRO NG GUNRUNNING SYNDICATE NASUKOL SA BUY BUST

gunrunning syndicate

MAYNILA – NADAMBA ang isa sa dalawang hinihinalang miyembro ng gunrunning syndicate ng pinagsamang mga tauhan ng Northern Police District (NPD) at Manila Police District (MPD) Station 7 sa buy bust operation of unlicensed firearms sa Tondo, Manila.

Kinilala ni NPD Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si Benedick Anglo, 33 ng 1301 Torres Bugallong St. habang pinaghahanap pa ang kasabwat nito na si Dennis Talamente ng 1222 Tayabas St. Tondo.

Ayon kay Ylagan, unang nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa illegal activities ng mga suspek na naging dahilan upang ikasa ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) sa pangunguna ni P/Lt. Col. Giovannie Hyacenth Caliao, sa koordinasyon sa MPD Station 7 sa pamumuno ni P/Lt. Col. Annie Langcay ang buy bust operation kontra sa mga suspek alas-8:45 ng umaga sa 1301 Torres Bugallion St. Tondo.

Matapos tanggapin ng mga suspek ang 14 piraso ng P1,000 boodle money at isang P1,000 tunay na pera na bayad sa isang caliber .45 Pistol ay agad dinamba si Anglo habang gawang makapuslit ni Talamente.

Sa isinagawang pag­halughog ng pulisya, nadiskubre ang isang fragmentation grenade, cal. 32 pistol, cal. 22 Black Widow revolver at sari-saring gun spare parts, magazines at mga bala. VICK TANES/ EVE GARCIA

Comments are closed.