MAGUINDANAO DEL SUR- PATAY sa pinagsanib na operasyon ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang miymebro ng Daulah Islamiyah (DI) – Hassan Group sa Datu Salibo sa lalawigang ito.
Sa ulat ng SAF para kay PNP Chief General Rommel Francisco Marbil, nakilala ang terorista na si Sera Iskak alyas B90.
Nasawi ang terorista sa pakikipaglaban sa mga tropa ng 41st Special Action Command at 4th Special Action Batallion ng PNP SAF kasama ang iba pang pulis at sundalo na nagtangkang magsilbi ng arrest warrant sa mga miymebro ng DI Hassan Group sa Brgy. Pagatin at Butelin, sa Datu Salibo, Magiundanao del Sur.
Narekober sa nasawing suspek ang isang baril at celphone, na naiturn-over sa Datu Salibo Police Municipal Station; habang ang kanyang labi ay isinauli sa pamilya.
EUNICE CELARIO