BRUSKO, matapang, iniilagan at kinakatakutan…. mga katangiang madalas hinahanap ng isang Kapitan para sa kanyang itatalagang Chief Tanod na magiging katuwang niya sa lahat ng gulo o tagapamayapa sa kanyang barangay na nasasakupan.
Subalit taliwas ito sa isang barangay sa Rosario, Cavite.
Ang kapitan ng Brgy. Ligtong 3 ay nagtalaga ng isang “chief tanod” na mainit na pinag-uusapan sa kasalukuyan.
Siya si Erwin Pajarillo, itinalaga bilang Chief Tanod noong Setyembre 6, 2020. Taas-noong ipinapakilala ang pagiging miyembro niya ng LGBT.
Ipinagkatiwala sa kanya ang katahimikan at kaayusan ng kanyang barangay, subalit nagtaas-kilay ang ilan dahil sa kanyang pagkatao.
Sinukat ang kanyang kakayahan, binatikos at tinawanan. Kinutya at inalipusta.
Lahat sila ay nabigo.
Tinawanan lang ni Erwin ang mga paratang.
Isang taon na ngayon mula nang iluklok siya, matagumpay niyang nagagampanan ang kanyang trabaho. Ginagalang siya’t nirerespeto.
Ang hindi alam ng ilan, bago pa siya maging tanod ay naging Kabataang Barangay siya noong 1992; Sangguniang Kabataan noong 1996; Barangay Health Worker noong 1997, Brgy Kagawad noong 2002 hanggang 2007. Naging Presidente rin siya ng Rosario Cavite Parents and Daycare Worker Federation mula 2014 hanggang 2020.
Sa kanyang malawak na karanasan, hindi maikakailang taglay niya ang katangiang hinahanap bilang isang Chief Tanod. Sobra pa nga kung tutuusin.
Hindi naman pala kailangan ang brusko. Basta tanggap ka ng tao anuman ang katayuan mo sa mundo. Ang mahalaga lang ay maging makatao, maka-Diyos, at nirerespeto.
Isa lamang si Erwin sa bukas-librong buhay na tunay na tumatatak sa isip ng tao. Hahangaan mo siya’t pasasalamatan. Mag-iiwan ng magandang kuwento at aspeto. SID LUNA SAMANIEGO
158994 436922As a result youll require ultra powerful online enterprise concepts to keep operating in getting into matters right your incredible web-based function. MLM 10807
135484 140280How significantly of an exciting piece of writing, continue creating companion 311176
105886 144396I discovered your weblog internet site website on google and appearance some of your early posts. Preserve up the excellent operate. I just extra increase Feed to my MSN News Reader. Looking for toward reading far more by you later on! 397576