MIYEMBRO NG LORENZANA GUN FOR HIRE NALAMBAT

BULACAN- DAHIL sa pinaigting na Anti-Criminality Law Enforcement Operations ng PNP, nadakip ang isang lalaki na kabilang sa Lorenzana Criminal Group na sangkot umano sa gun for hire sa lalawigang ito.

Sa report ni PNP Provincial Director Col. Relly Arnedo kay PNP Region-3 Director BGen.Cesar Pasiwen, kinilala ang suspek na si Rico Irabagon, 44-anyos, negosyante ng Brgy, Anyatam, San Ildefonso, Bulacan.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, ganap na alas-10:50 ng umaga ng Martes nang madakip si irabagon sa bisa Search Warrant No.117-M-2022 sa kasong PD1866 as amended by RA 8294 at RA10591 at RA 9165 na inilabas ng Branch 80 ng Malolos Regional Trial Court.

Sa isinagawang tactical interogasyon, si Irabagon ay kabilang umano ng “Lorenzana Criminal Group” na sangkot sa “‘Gun-for-Hire’, gun-running, robbery, smuggling at illegal drugs activities.

Nakuha sa bahay ng suspek ang 9MM pistol ,isang hand grenade fragmentation (MKII) at cal.45 pistol at ibat-ibang mga bala ng baril at 12 plastic sachet ng shabu. THONY ARCENAL