MIYEMBRO NG OZAMIS-PAROJINOG GROUP TIKLO

arestado2

BULACAN – MAKALIPAS ang halos limang taon na pagtatago sa batas, nadakip ng pinagsanib na puwersa ng PNP 1st provincial Mobile Group, Special Weapons and Tactics (SWAT) at Regional Intelligence Unit-3, RIU-10, RIU-NCR, PIB Misamis Occidental at San Jose del Monte City-PNP.

Sa report na ipinadala ni P/Lt.Col. Orlando Catil Jr. kay PNP Provincial Director P/Col.Chito Bersaluna, kinilala ang nadakip na suspek na si Gregie Azcona Y Albar, 36-anyos, tubong Ozamis City, residente ng Brgy, FVR sa bayan ng Norzagaray.

Inaresto ang suspek bunsod ng  warrant of arrest sa kasong murder na inis­yu ni Branch 35 RTC judge Salome F Dungog, na may criminal case number RTC-7383 sa kasong murder na may petsang Nobyembre 17, 2015.

Isa pang  warrant sa kasong robbery na inilabas ni Branch 15 RTC Judge Edmundo P.  Pintac, na may criminal case number RTC-7388 noon pang Disyembre 11, 2016.

Nabatid na ang nadakip na suspek ay sangkot sa serye ng murder at robbery sa Mindanao at Metro Manila. THONY ARCENAL

Comments are closed.