NADAGDAGAN pa ang bilang ng Philippine National Police (PNP) personnel na nasawi dahil sa COVID-19.
Sa report ng PNP Health Service (PNPHS), isang lalaking Police Commissioned Officer na 54-anyos mula sa Police Security Protection Group na pumanaw noon pang Agosto 15.
Samantala, sa talaan ng PNPHS na may 43 bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP kaya umabot na sa 6,270 ang tinamaan ng sakit.
Nabatid na 12 sa mga ito ay mula sa National Operational Support Units, 11 sa NCRPO, 7 sa PRO 4A, 5 sa PRO 13, tig-dalawa sa PRO 3 at PRO 10, at tig-isa sa National Administrative Support Units, PRO 6, PRO 9, at PRO 12.
Nakapagtala naman ng 106 na bagong recoveries ang PNPHS kaya nasa 5,344 ang mga gumaling mula sa COVID-19.
Gayundin, patuloy na bumababa ang bilang ng mga aktibong kaso sa PNP na sa kasalukuyan ay nasa 907 na lamang. EUNICE C.
Comments are closed.