MK KITCHEN AT BIDA NG KUSINA NAGSANIB-PUWERSA

BIDA NG KUSINA-MK KITCHEN

PATULOY ang Bida Ng Kusina sa pagpapalakas ng home cooks socially and economically sa pamamagitan ng pagkilala ng kanilang mga pagsisikap ang pagbibigay sa kanila ng paraan ng pagkita maging ang pagbibigay ng scholarship programs. Dahil nakapag-host na ng ilang events noong mga nakaraang buwan, nakipag-partner na ang Bida Ng Kusina sa iba’t ibang organisasyon na layon na pabutihin ang pamumuhay ng mga maglulutong Pinoy at ang MK Kitchen ay isa sa mga ito.

Ang MK Kitchen ay siyang responsable para sa pagtatayo ng malaking kitchen equipment town sa Filipinas na tumutugon sa pagbibigay ng may kalidad na produkto at service plan, design, fabrication, installation at after sales service sa pamamagitan ng mga naipong karanasan at techniques. Mula sa maliliit na restawran hanggang sa malalaking kitchen facilities tulad ng hotels, resorts, commercial buildings, at marami pang iba, nakapagbibigay ang MK Kitchen ng lahat ng kitchen equipment parts at may propes­yunal na sales service team na makapagbibigay ng satisfaction sa mga customer. Tunay na “one stop kitchen solution” na matatawag.

May 15 taon na ang MK Kitchen at nakapagpalawak at nakapagpatibay na ng kanyang network sa ibang bansa tulad ng Italy, China, Taiwan, Japan, Singapore, Thailand, at Malaysia kung saan  nag-i-import sila ng produkto na may kalidad, nasa uso, at maayos na presyo.  Isa sa mga matatandaang milestones MK Kitchen ay ang Korean Food Craze o ang “Samgyup” fever sa bansa.

Kumpiyansa ang marketing head na si Mr. Gerome Paw na 10 mula ngayon na,  “We are still the biggest kitchen equipment and one-stop shop and still growing.

After years of effort providing top quality kitchen equipment and services, our endeavor has paid off. We are one of the leading kitchen solution company to lots of famous restaurant from different locations and have been the contractor of some business establishment for the kitchen needs. With all these, our ultimate aim is to let our client enjoy the value of kitchen equipment bring with the strong sense of reliability and satisfaction.”

Magkatugma ang Bida Ng Kusina at MK Kitchen sa iisang misyon, ang maitaguyod ang local culinary industry at maitaas ang status ng ating home cooks dito man o sa ibang bansa.

Layon ng MK Kitchen na ma-enjoy ng kanilang kliyente ang halaga ng kitchen equipment sa pagbibigay sa kanila ng satisfactory products at service. Ang Bida Ng Kusina naman sa kabilang banda ay nagpapalakas ng home cooks sa pagbibigay sa kanila ng oportunidad na makilala hanggang magbukas ng pinto ng pangkabuhayan para sa kanila.

Comments are closed.