SI DANNY Kingad ang pinakabagong miyembro ng Team Lakay na magbabalik-aksiyon, kung saan nakatakda siyang sumabak sa un-dercard ng ONE: Big Bang sa December 4 sa Singapore Indoor Stadium.
Inanunsiyo ng ONE Championship ang fight cards kapwa para sa ONE: Big Bang at ONE: Collision Course, na nakatakda sa December 18.
Makakasagupa ni Kingad, kasalukuyang ranked No. 2 sa flyweight division, si dating ONE world champion Kairat Akhmetov ng Kazakhstan.
Ito ang magiging unang laban ni Kingad magmula noon January 2020, nang madominahan niya si Wei Xie sa ONE: Fire and Fury.
Isa pang Pinoy ang magiging tampok sa card kung saan makakaharap ni Jomary Torres si Ritu Phogat sa isang atomweight bout.
Tulad ni Kingad, si Torres ay lalaban sa unang pagkakataon magmula noong January 2020. Ang kanyang bout sa ONE: Fire and Fury kontra Jenny Huang ay nagtapos sa isang no-contest. Bago ito ay natalo siya ng apat na sunod.
Comments are closed.