MATAPOS ang matagumpay na debut sa ONE Championship noong nakaraang Agosto, may mas malaking misyon si Filipino fighter Drex Zamboanga sa 2021.
Ito ay ang magwagi ng world title — sa flyweight division man o sa mas mataas na weight class.
“I learned that in order to continue evolving as a fighter, perfecting the game plan is the key to victory. Selecting the right team is very important,” wika ni Zamboanga, na kasalukuyang nasa Thailand, kasama ang kanyang kapatid na si Denice, ang top contender sa stacked atomweight division ng ONE.
May ilang buwan na rin ang magkapatid sa Thailand at hindi makauwi sa Filipinas dahil sa travel restrictions dulot ng COVID-19 pandemic. Inaasahang mananatili sila sa Bangkok hanggang matapos ang taon.
Sa gitna ng pandemya ay nagawa ng magkapatid na manatiling aktibo sa pamamagitan ng pagsasanay sa Marrok Force.
“My goal is to become a world champion. I won’t be satisfied until I have reached that goal,” sabi ni Zamboanga.
Nangako rin siya na gagawin ang lahat para malagpasan ang anumang hamon na kanyang kakaharapin.
Si Zamboanga ay unang sumalang sa flyweight division, kung saan nanalo siya via submission laban kay Detchadin Srosirisuphathin ng Thailand.
Championship and I was quite satisfied with the result. My training this year has gone great.”
Comments are closed.