BUKAS ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa posibilidad na pagpapatupad ng polisiya na pag-iisahin ang ban sa single-use plastics sa National Capital Region (NCR).
“Sa Metro Manila po wala pa po, pero may mga ilang cities na po na mayroong mga ordinansa na nagbabawal po mag-single use plastic,” pahayag ni MMDA chairperson Romando Artes Jr. sa Zero Waste Summit sa Pasig City.
Aniya, kabilang dito ang Quezon City at Marikina City.
“Siguro makikipag-coordinate kami sa National Solid Waste Management Commission para makapag-come up ng isang MMC (Metro Manila Council) resolution regarding single-use plastic,” ani Artes.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mga inisyatiba sa Kongreso upang limitahan ang paggamit ng single-use plastics.
Umiral ang EPR Act noong 2022 na nilalayong bawasan ang plastic waste sa lebel ng producers at manufacturers.
EVELYN GARCIA