INIHAYAG na ni MMDA Chairman at Executive Chairman ng 2019 MMFF Danilo Lim, kasabay ng MMFF Apprecia-tion Dinner last Friday, sa Sampaguita Gardens, Valencia, Quezon City ang requirements para sa mga sasali sa coming 45th MMFF sa December, 2019.
Ang letter of intent ng mga sasaling producer para sa full length films category ay tatanggapin hanggang 5:00 p.m. sa Abril 1. Ang pagsusumite naman ng required documents para makasali ay sa Mayo 31, hanggang 5:00 pm.
Sa Hulyo 5 ihahayag ang apat na official script entries, at sa Setyembre 2, tatanggapin na ang finish entries at sa Setyembre 20 ang regular submission ng iba pang entries. Sa Oktubre 19 (Martes) ihahayag ang apat na official finished film entries.
ALDEN NAGKAROON NG CHANCE
NA LUMUSONG SA BLUE LAGOON NG ICELAND
NAGKAROON pala ng chance si Pambansang Bae Alden Richards na lumusong sa Blue Lagoon ng Iceland, isang geothermal pool na puwede kang gumamit ng tatlong types of scrub na ia-apply sa face at buong katawan. Alin kaya ang ginamit ni Alden, ang lava scrub, silica mud mask, or ang algae green mask?
Sa post ni Alden, may mga Pinoy siyang nakasabay roon, nanghinayang iyong isa niyang Filipino fan na wala na si Alden nang dumating siya at husband niya sa Blue Lagoon.
Nai-report ni Jessica Soho nang i-cover niya ang pagpunta niya sa Iceland, sa kanyang magazine show, na ang Blue Lagoon ay nalilibot ng snow pero warm ang tubig dahil ang ilalim nito ay mga volcano.
WINWYN MARQUEZ AT ENZO PINEDA
MADALING NAGKASUNDO SA UNANG TEAM UP
KAYA pala madaling nagkasundo sina Win Wyn Marquez at Enzo Pineda nang magsimula pa lamang silang mag-shooting ng first team-up movie nila, ang “Time & Again” sa Regal Entertainment Inc., ay dahil sabay silang pumasok sa showbiz.
“Way back pa kami magkakilala ni Enzo,” sabi ni Win. “Nang-mag-join siya sa “StarStruck,” ang reality-based artista search in GMA-7, it was also the same time na nag-enter ako sa showbiz. Kaya magkakilala na kami nine years ago pa. At ngayon we’re working together sa “Time & Again” na first time akong naging bida sa movie. Masaya naman si Enzo na muli silang nagkasama ni Win sa movie.
“Natuwa po ako nang malaman kong ako pala ang napili ni Direk Joey Reyes na makatambal ni Win,” sabi ni Enzo. “It’s a big honor na makatambal ang ating first Reina Filipina Hispano Americana. Hindi kami nahirapang mag-communicate with each other at naging comfortable agad kami sa isa’t isa. Sana po makita nila ang chemistry naming dalawa sa mga eksenang ginawa namin.”
Si Win ay si Apple, no boyfriend since birth, hindi siya naniniwala sa pagkakaroon ng boyfriend, until tinamaan siya ni Cupid, nang makilala niya si Ozzi. Mababago raw ang pag-uugali at pananamit niya nang ma-meet niya si Ozzi. Puno raw ng tawanan at sweet moments ang movie nila.