POSITIBO sa coronavirus disease o COVID-19 si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim.
Sa kanyang Facebook post ay sinabi ni Lim na nagpositibo siya matapos ang isinagawang routine swab test sa kanya. Mild lamang aniya ang nararamdaman ng heneral habang negatibo naman sa COVID-19 ang kanyang asawa at anak.
Ayon dito, ipinapakita lamang kung gaano katindi ang COVID-19 at lahat ay puwedeng tamaan.
Mula nang ipatupad ang ECQ ay regular na pumapasok si Lim.
Patuloy siyang sasailalim sa self-isolation.
Samantala, inabisuhan na ni Lim ang lahat ng mga taong nagkaroon ng close contact sa kanya na i-monitor ang mga sarili at mag self-isolate nang 14 na araw.
“Patuloy na mag-ingat ang lahat at bigyang prayoridad ang inyong kalusugan. Sumunod tayo palagi sa health protocols para mapangalagaan ang ating mga sarili pati ang mga nasa paligid natin,” ang pahayag ng MMDA chairman.
Comments are closed.