NAKATAKDANG dalhin at isumite ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga concerned agencies ang hinaing at panukala ng transport groups sa pagpapatupad ng provincial bus ban sa EDSA.
Ayon sa tagapagsalita ng MMDA na si Asst. Secretary Celene Pialago, sa pakikipagpulong ng MMDA sa transport group, sinabi nito na isu-sumite nila ang kanilang hinaing at mga panukala sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO) at Department of Transportation (DOTr).
Sa pahayag ni Pialago, ilan sa mga panukala ng transport group ay ang pagkokonsidera ng dagdag na oras para sa biyahe, additional cost, available transportation para sa mga senior citizen at PWDs, designated mid bus stops sa halip na P2P, pagbibigay prayoridad sa higher capacity vehicles tulad ng UV Express sa halip na TNVS, organize bus terminals.
Dagdag na hiling pa ng transport group ang pagbibigay ng seminars sa mga commuter kabilang ang proper driving sa K-12 curriculum, limitahan ang coding para PUVs, 23 km route para sa mga jeep at boundary na P1,500 sa mga driver.
Dapat ngayong buwan ng Hunyo ay pinatutupad na ang provincial bus ban sa EDSA ngunit nakabinbin ito dahil sa petition ng ilang mambabatas sa Korte Suprema.
Sabi ng MMDA, hihintayin muna nila ang magiging desisyon ng Supreme Court bago ipatupad ang provincial bus ban. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.