MAKATI CITY – TINIYAK ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kasado at preparado sila sa dagsa ng mag-aaral na balik-eskuwela ngayong araw.
Una nang inanunsiyo ni MMDA Chairman Danilo Lim na 1,444 traffic constable /personnel ang naka-deploy ngayon sa mga kalsada sa pagbubukas ng klase.
Nagiging pangyayari na tuwing magsisimula ang pasukan sa paaralan ang pagsisikap sa Metro Manila lalo na sa Edsa.
Tiniyak ni MMDA General Jojo Garcia, magdaragdag ng puwersa sa mga critical area tulad sa mga university belt sa Maynila, Katipunan Road, EDSA at ang critical chokepoint areas tulad ng Cubao, Aurora at Balintawak Cloverleaf.
Ilan sa mga popostehan ang Sidewalk Clearing Operations Group, Anti-Jaywalking Unit simula alas-6:00 ng umaga sa mga paaralan.
Magkakaroon din ng 24-oras na monitoring ang MMDA Metro Base Command Center at nakaantabay din ang Agila Mobile Base para sa cctv cameras. PM Reportorial Team
Comments are closed.