MMDA, HPG PARTNER VS TRAPIKO

MMDA-HPG

SIMULA sa Lunes ay magsasanib-puwersa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang Philippine National Police-Highway Patrol Group sa pagmamando ng trapiko sa EDSA.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, magkakaroon ng hatian sa mga tututukang kalsada ng MMDA at PNP-HPG sa EDSA.

Nasa 100  tauhan ng MMDA ang ipakakalat sa EDSA sa ilalim ng pamumuno ng PNP-HPG na karamihan ay  mga babae.

Ilang MMDA personnel sa ilalim ng pamumuno ni EDSA traffic head Bong Nebrija ay babantayan ang trapiko mula EDSA-Timog Avenue hang-gang Balintawak at Ortigas hanggang Makati City.

Maliban dito ay babantayan din ng kanilang hanay ang sitwasyon ng trapiko sa Magallanes hanggang Roxas Boulevard.

Ipinaliwanag ni Garcia na nakatoka naman sa mga opisyal ng PNP-HPG ang bahagi ng Timog Avenue hanggang Ortigas.

Sinabi nitong mas magandang ang PNP-HPG ang naka-deploy sa naturang bahagi ng EDSA dahil ang mga ito ang may may pinakamara­ming pa-saway na motorista.

Inaasahan ng MMDA na  mapapaigi ang trapiko dahil posible aniyang maging disiplinado na ang mga motorista sa pinagsanib na operasyon ng da­lawang hanay. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.