MMDA INASUNTO SA KOTONG

mmda

QUEZON CITY – ARES­TADO ang isang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nang ireklamo ito ng pangongotong alas-12: 30 ng madaling araw noong Miyerkoles.

Kinilala ito na si Jonel Pollos, ng Brgy. Batasan habang ang nagreklamo ay si Mary Joy Labro, 43-anyos ng San Mateo, Rizal

Pinara ni Pollos ang tauhan ni Labro dahil sa umano’y traffic violations at sinabing kukuhanin ang sasakyan ngunit dahil natakot ang hindi pinangalanang driver ay tumawag ito sa kanyang amo (Labro) upang ipagbigay alam ang nangyari.

Dahil dito, kina­usap ni Labro si Pollos na nanghihingi umano ng P20,000 upang hindi na dalhin sa impounding area ang kanyang sasakyan.

Lumapit ang biktima sa QC Police Station 8 na nagsagawa ng entrapment operation at nadakip si Pollos sa Brgy. Tagumpay sa Project 4.      PAULA ANTOLIN

Comments are closed.