INIHAYAG na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga hakbang upang mabawasan ang kalbaryong dulot sa trapiko ng pagsisimula ng “Ber” months.
Ito kasi ang panahon kung saan, inaasahang darami ang mga bumibiyaheng sasakyan sa Metro Manila partikular na sa kahabaan ng EDSA.
Ayon kay MMDA Acting Chairman, Atty. Don Artes, puspusan na ang ginagawa nilang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang stakeholders upang maisaayos ang daloy ng trapiko sa mga panahong ito.
Hindi pa kasama rito ang mga ginagawa na nilang mga hakbang upang mapaluwag ang trapiko ngayong sunod-sunod din ang mga kalamidad.
Samantala, nagsagawa ng declogging ang MMDA sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila sa kabila ng masamang panahon dulot ng habagat.
EVELYN GARCIA