MMDA LILINAWIN SA TOM TOM TRAFFIC INDEX ANG RESULTA NA ‘SLOWEST’ ANG MM SA TRAPIKO

TINIYAK ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mayroon na silang nailatag na hakbang para kontrahin ang report ng Tom Tom Traffic Index na ang Metro Manila ang may pinakamalalang lungsod kung trapiko ang pag-uusapan.

Sa December 2023 report ng Tom Tom Traffic Index, lumabas sa 387 cities sa buong mundo, ang Pilipinas ay may pinakamabagal na biyahe at aabot ng 33 minuto at sampung Segundo ang tagal ng biyahe na may layong 10 kilometers.

Sa pinatawag na press conference ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, sinabi nitong makikipag-ugnayan sika sa TomTom Traffic Index at tatanungin ang ginamit na methodologies para lumabas ang nasabing pag-aaral.

“We want to know the methodology employed. If there is an actual count and when did they conduct the study,” ani Artes.

Inihalimbawa ni Arte sang Quezon Avenue, na ayon sa pag-aaral ang busiest street sa Metro Manila noong 2023.

Giit ni Artes, sa kanilang datos, ang Quezon Avenue ay ikatlo sa pinakaabalang kalsada sa Metro Manila.

“Per our data, it is still EDSA as Metro Manila’s busiest road based on our regularly conducted actual count. With this alone, we can see that there is a difference between our data and TomTom’s,” ani Artes.

Samantala, tinukoy ng MMDA ang ilang dahilan kung bakit mabagal ang trapiko sa nasabing lungsod, unsa ay ang dekadang problema gaya ng vehicle volume, lane blockages, diggings at road repairs, ongoing construction of government flagship infrastructure projects, road configuration and conditions, at suspension of the No Contact Apprehension Policy.

Sobra-sobra na rin anya ang rami ng mga sasakyan.

“Metro Manila has exceeded its carrying capacity for vehicles since it has 3.6 million vehicles on a 5,000-kilometer road network. In EDSA alone, there are 400,000+ vehicles traversing the highway daily but its carrying capacity is only for 300,000 vehicles,” paliwanag ni Artes.

Tiniyak naman ng MMDA na may mga hakbang na silang ginagawa para umalwan ang biyahe. EC