MMDA MAGPAPAKALAT NG 1,300 PERSONNEL SA SONA

INIHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpapakalat sila ng mahigit 1,300 personnel para umasiste sa pamamahala sa daloy ng trapiko sa idaraos na ikatlong State of The Nation Adress ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Batasan Complex sa lungsod ng Quezon sa Hulyo 22.

Sa isang pulong balitaan sinabi ni MMDA Traffic Operations Officer Manny Miro, sila ang nakatoka sa pangangasiwa ng trapiko sa mga sasakyan, pedestrians at magsisilbing emergency respondents sa araw ng SONA.

Magsasagawa rin ang mga tauhan ng MMDA ng clearing operation sa mga kalsada at bangketa at babantayan ang trapiko sa mga highway patungong Batasan Complex.

Maglalabas din ang MMDA ng mga rutang isasara ilang araw bago ang SONA.
EVELYN GARCIA