MMDA MAKIKIPAGTULUNGAN SA NCAP

HANDANGĀ  makipagtulungan ang Metropolitan Development Authority (MMDA) na sakaling magkasa ng legislative investigation hinggil sa pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Ginawa ng MMDA ang pahayag kasunod ng panawagan ng Land Transportation Office (LTO) sa mga lokal na pamahalaan na suspendihin ang pagpapatupad ng kani-kanilang NCAP.

Ayon sa pahayag ng MMDA, inirerespeto nito ang kapangyarihan ng mga LGU na lumikha at magpatupad ng kanilang sariling traffic regulations.

Sakali mang magsagawa ng legislative investigation tungkol sa NCAP, sinabi ng MMDA na handa silang makipagtulungan.

Tiniyak din ng MMDA ang kooperasyon sa iba pang ahensiya ng gobyerno para masiguro ang maayos na pagpapatupad ng nasabing polisiya. LIZA SORIANO