MAKATI CITY – HIHILINGIN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa water firms na kung maaari ay kanilang iwasan muna ang pagsasagawa ng kanilang road works ngayong papasok na ang holiday rush upang maiwasan ang pagbigat ng daloy ng trapiko.
“Kakausapin na po ni [MMDA General Manager] Jojo Garcia ‘yong mga utility companies before the end of this month para pagdating ng Kapaskuhan, ‘yong mga isinasagawa nilang digging, kung puwede magkaroon tayo ng moratorium lalo na kung ‘di naman emergency,” pahayag ni MMDA EDSA traffic chief Bong Nebrija.
Ayon kay Nebrija, na ang Manila Water at Maynilad ay nagpahayag kamakailan na bibigat lalo ang daloy ng trapiko sa Metro Manila kung sila ay oobligahin na tapusin ang sewer projects.
Matatandaan na nagbigay ng order ang Supreme Court sa mga naturang kompanya na tapusin ang kanilang proyekto sa mga connecting sewer lines at magtayo ng sewage treatment plants sa Metro sa loob ng 5 taon. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.