MMDA NAG-ABISO SA TRAPIK NGAYONG KAPASKUHAN: USAD PAGONG SA EDSA

trapik

MMDA nag-abiso sa trapik ngayong Kapaskuhan

Ito ang iniabiso ni  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  Edsa Traffic Manager Bong Nebrija  kaugnay sa dapat asahang daloy ng trapiko ngayong Christmas season.

Ayon  kay Nebrija, asahan na magiging 10 hanggang 20 kilometers per hour lang ang bilis ng takbo ng mga sasakyan ngayong papalapit na Pasko.

Mas malaki ng tsansa na mangyari ang ganitong pagbagal  tuwing weekdays lalo na tuwing Biyernes.

Ipinaliwanag ni Nebrija na  ito ay bunsod ng papalapit na ang Kapaskuhan at paiba-ibang kondisyon ng panahon sa Metro Manila.

Marami ang naghahabol sa kabi-kabilang Christmas parties at events.

Marami rin ang mga nagtutungo o namamas­yal sa Metro Manila mula sa mga probinsiya.

Tiniyak ni Nebrija na patuloy ang pagtutok ng mga traffic enforcer sa traffic situation sa mga kalsada.

Nagpaalala rin ito sa  mga motorista na maging disiplinado at sundin ang  batas-trapiko. ELMA MORALES