MMDA NAG-DEPLOY NG WATER PURIFICATION TEAM

NAG-deploy ng water purification team ang Metropolitan Manila Development (MMDA) sa Southern Leyte dahil sa nararanasang critical shortage ng inuming tubig ng naturang probinsiya dahil sa pananalasa ng bagyong Odette.

“Our top priority is to provide relief for the typhoon victims. I hope they will be able to rebuild and recover from the severe damage inflicted by Odette,”ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos.

Ani Abalos, nasa 3,639 gallons inuming tubig ang ipinamahagi sa Barangay Combado at 1,215 gallons sa Barangay Lib-og sa Maasin City.

Samantalang, nasa 8,428 gallons ang ipinamahagi naman sa Barangay Magallanes, bayan ng Limasawa.

Sinabi pa ni Abalos, nagsagawa rin ang MMDA team ng clearing operations sa Barangay Hantag, Malapoc Sur, Matin-ao Sur, Matin-ao Norte sa Maasin City; Barangay Pangi at Taa sa bayan ng Bontoc, Barangay Libas sa bayan ng Leyte at Barangay Union sa bayan Mahaplag.

Ayon kay Atty. Victor Pablo Trinidad, head ng MMDA Metropolitan Public Safety, sinigurado nila ang koordinasyon sa Leyte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Bureau of Fire Protection, at Department of Health para man sa anumang urgent concerns. LIZA SORIANO