Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) laban sa paggamit sa mga lamp post para sa mga campaign material at mga commercial advertisement.
Ito ay kasunod ng inilabas ng ahensiya na MMDA Regulation No. 24-001 Series of 2024.
Tanging ang MMDA at ang Metro Manila Film Festival kasama na ang government agencies, ang maaaring maglagay ng ads o announcement sa mga lamp post nito.
Maging ang mga election campaign posters ay pinagbabawalan ding idikit o ikabit sa mga naturang poste.
Batay sa regulasyong inilabas ng ahensiya, lahat ng mga material na ikinakabit sa mga ito ay kailangang maaprubahan ng director ng MMDA Metro Parkway Clearing Group (MPCG).
Inilabas ng ahenisya ang bagong regulation order kasunod na rin ng pagkakabit ng pribadong kompanya ng mga commercial advertisement nito sa mga lamp post ng MMDA na matatagpuan sa mga pangunahing kalsada ng NCR.
EVELYN QUIROZ