MMDA NAGHAHANDA NA SA INAUGURATION NI BBM

Bong Nebrija

Igiiit ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes na nililinis na nito ang mga alternatibong ruta para sa mga trak bilang bahagi ng paghahanda sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa National Museum sa Hunyo 30.

“Meron na tayong pagsisimula ng pagsasara sa 27, June 27, ito yung ano na ‘to, yung rehearsals na gagawin, kaya magkakaroon ng pagsasara dyan, dyan mismo sa Padre Burgos sa kung saan ‘yung main activity area natin ano, pati yung Plaza Dilao madadamay din,” sinabi ni MMDA Task Force Special Operations Edison “Bong” Nebrija.

“Dyan sa Manila near the periphery of the National Museum, yan po yung cini-clear namin, ang alternate routes po natin dyan will be the Taft Avenue, ‘yan po ici-clear namin ‘yan. ‘Yung part ng Roxas Boulevard very minimal naman, ang tinitingnan na lang po namin d’yan ‘yung mga illegally parked,” dagdag pa niya.

Aniya, noong nakaraang linggo pa ang pagkiclear ng mga daanan.
Sinabi ng Philippine National Police (PNP) na libo-libong pulis ang ipapakalat para masigurado ang inagurasyon ni Marcos. LIZA SORIANO