MMDA NAGTAYO NG ISOLATION FACILITY

2019 MMFF Danilo Lim

MAKATI CITY.  MAGING ang  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay nagtayo ng sariling isolation facility sa head-quarters nito para sa asymptomatic employees na tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) o nakasalamuha ng positive cases.

Ang pasilidad ay may lawak na 800-square meter isolation na hinati sa dalawang bahagi para sa mga nag-negatibo sa Rapid test result at nag-positibo o naghihintay ng resulta gamit ang PCR o swab test.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, magsisilbi itong temporary holding area sa mga tauhan na kailangang sumailalim sa 14-day quarantine.

Bawat section ng pasilidad ay mayroong 24 na higaan, shower room, comfort room at lavatories.

Regular ding lilinisin at sasailalim sa disinfection ang fully-airconditioned at Wi-Fi-ready rooms.

Pamumunuan ito ng MMDA COVID-19 Committee at Medical Clinic and Administrative Services.

Paliwanag ni Lim, prayoridad nilang alagaan ang mga tauhan at mga pamilya nito ngayong may kinakaharap na krisis sa nakamamatay na virus kaya sana ay magsilbing paalala ito na iniintindi ang kanilang kapakanan at pangangailangan.

Ang mga empleyadong makikitaan ng sintomas ay agad iuugnay at ililipat sa COVID-19 facility ng Department of Health o local government unit. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.