MMDA NAKAALERTO

Mmda

NAKAALERTO ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa  pananalasa ng  bagyong Rolly at Siony.

Naka- standby ang lahat ng unit para sa agarang deployment sa mga lugar na mangangailangan ng tulong sa road clearing, quick response and rescue, traffic management at iba pa.

Nakatutuok ang mga tauhan ng Metropolitan Public Safety Office para mag-monitor sa galaw ng bagyo at naka standby na ang mga rubber boats, ambulansiya at iba pang rescue vehicles para sa mga emergency cases.

Naka monitor din ang mga tauhan ng Metro Manila Crises Monitoring and Management Center (MMC-MMC) upang magbigay ulat sa mga flooded area.

Nakipag-coordinate rin ang MMC-MMC sa 17 local Disaster Risk Reduction Management Offices sa Manila Local Goverment Unit (LGUs) upang mas mabilis aniya ang pagre-report sa mga flooded areas.

Nabatid na operational din ang lahat ng 56 pumping stations sa buong Kalakhang Maynila at handa rin ang mga tauhan ng Flood Control and Sewerage Management Office para i-deploy sa mga flood prone areas. LIZA SORIANO

Comments are closed.