MMDA NAKAHANDA SA PAGLAWIG NG TIGIL-PASADA

SINIGURADO ng Metropolitan Manila Development Authority ang kanilang kahandaan sa ikinasang dalawang linggong tigil pasada ng grupong Manibela at Piston.

Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang kahandaan sa ikinasang dalawang linggong tigil pasada ng grupong Manibela at Piston.

Ito ang pahayag ni MMDA Chairman Romando Artes na inihanda na rin nila ang kanilang hakbang para matugunan at ma-minimize ang epekto ng transport strike.

Base sa memorandum circular ng Land transportation Franchising and Regulatory Board, (LTFRB) mare-revoke ang prangkisa ng lahat ng individual operator na hindi makakapag-consolidate simula sa Enero 1, 2024.

Tinututulan naman ito ng grupong Manibela at Piston dahil pagsasamahin nito ang prangkisa ng iba’t ibang individual operator. EVELYN GARCIA